First divesting ourselves of worldly goods, as St. Francis teaches,
in order that our souls not be distracted
by gain and loss, and in order also
that our bodies be free to move
easily at the mountain passes, we had then to discuss
whither or where we might travel, with the second question being
should we have a purpose, against which
many of us argued fiercely that such purpose
corresponded to worldly goods, meaning a limitation or constriction,
whereas others said it was by this word we were consecrated
pilgrims rather than wanderers: in our minds, the word translated as
a dream, a something-sought, so that by concentrating we might see it
glimmering among the stones, and not
pass blindly by; each
further issue we debated equally fully, the arguments going back and forth,
so that we grew, some said, less flexible and more resigned,
like soldiers in a useless war. And snow fell upon us, and wind blew,
which in time abated — where the snow had been, many flowers appeared,
and where the stars had shone, the sun rose over the tree line
so that we had shadows again; many times this happened.
Also rain, also flooding sometimes, also avalanches, in which
some of us were lost, and periodically we would seem
to have achieved an agreement; our canteens
hoisted upon our shoulders, but always that moment passed, so
(after many years) we were still at that first stage, still
preparing to begin a journey, but we were changed nevertheless;
we could see this in one another; we had changed although
we never moved, and one said, ah, behold how we have aged, traveling
from day to night only, neither forward nor sideward, and this seemed
in a strange way miraculous. And those who believed we should have a purpose
believed this was the purpose, and those who felt we must remain free
in order to encounter truth, felt it had been revealed.
-- Louise Glück
Tuesday, August 18, 2015
Monday, August 3, 2015
Historical Fiction in Letters
August is the month of the Filipino language (Buwan ng Wika) and I stumbled upon this beautiful letter written in Tagalog. I haven't read anything this poignant in Tagalog in a long while, much less write anything truly substantial. But I do hope to read more beautiful works of literature in my local tongue.
Knowing it's fictional doesn't diminish the message's power. I believe it has shed light into so many possibilities when we think of our national heroes' personal lives. So please, read it for yourself.
---
1897 Mayo 1
Mahal kong Oryang,
Mali ka. Hindi kita nakasalubong upang sa dulo ng kalsada, ako ay liliko sa kanan at ikaw sa kaliwa. Sapagkat saan man tayo dalhin ng ating pakikibaka, ikaw lang ang aking itatangi at makailang ulit na ihaharap sa pulang bandila. Hindi tayo nagpalitan ng mga kwento upang sa pinakahuling tuldok ng pangungusap, ang karugtong ay alingawngaw ng katahimikan. Walang pagod kitang aawitan ng imnong pambayan, Oryang.
Hindi kailanman ako mauubusan ng salita upang maialay sa iyo bilang mga tula. Maging ang bulong at buntung-hininga’y magpapahayag ng pagsinta sa tulad mong umiibig din sa bansa. Hindi tayo sabay na tumawa, nagkatinginan, at tumawa pa nang mas malakas, upang sa paghupa ng halakhak ay may butil ng luha na mamimintana sa ating mga mata. Loobin man ng Maykapal na pansamantala tayong magkawalay, tandaan mong ang halakhak at sigaw ng ating mga kasamahan ay sa akin rin. Hindi ka dapat masabik sa akin sapagkat ako’y mananatili sa iyong piling. Hindi kita niyakap nang ilang ulit upang sa pagkalas ng mga braso ko sayo ay maramdaman mong iniiwan kita.
Habambuhay akong magiging tapat sa ating panata, Oryang. Kapara ng binitawan kong sumpa sa ngalan ng bayan, tayo’y mananatiling katipun, kawal, at bayani ng ating pagmamahalan. Hindi tayo bumuo ng mga alaala sa umaga, tanghali, at gabi upang sa muli mong paggising ay maisip mong hindi tayo nagkasama sa pakikidigma. Hindi ko man hawak ang bukas, nais kong tanganan mo ang aking pangako na ilang ulit kong pipiliing mabuhay at pumanaw upang patunayan sa iyong mali ka. At kung magkataong ako’y paharapin sa ating anak na si Andres, buo ang loob kong haharap sa kanya at sasabihin ko sa kanyang mali ka. Hindi ako bumati sa simula upang sa huli ay magpaalam.
Ikaw ang aking bayan,
Andres
Ibinigay ni Julio Nakpil ang liham na ito kay Oryang ilang gabi makalipas ang pagpaslang kay Andres sa Maragondon.
---
Isang kathang pangkasaysayan ni G. Eljay Castro Deldoc mula sa "MAGHIMAGSIK: Mga Tula, Sulatin at Larawan ng Pakikibaka ni Andres Bonifacio at ng Kabataang Makabayan" isang aklat pampanitikan ng CEGP at Anakbayan para sa ika-150 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio
*This post was taken from League of Filipino Students - UP Diliman Facebook page.

Subscribe to:
Posts (Atom)